Friday, March 22, 2013

Ako yung seryosong naka white. Akala ko serious face ang pose. yun pala, fake laugh. Wahahaha. Kaya ayan, iba ang expression ng mukha ko dito. Wahahahah. Ang mga taong ito'y mamimiss ko hindi lamang tuwing tuesday at thursday 2- 3pm. Mamimiss ko din sila MWF. wahahaha. Joke. I will treasure you guys, hanggat wala pa akong alzheimer's disease. wahahahaha. =)) God bless to all!

Philippine Games, mananatili ka sa aking puso, magpakailanman!


     Ang lahat talaga ng mga bagay sa mundo ay may katapusan. Isa nga lamang yata ang permanente rito, at iyon ay ang pagbabago. Ngunit bago pa maging sentimental ang bahaging ito ng aking buhay, gusto ko lamang sabihin na hindi ko malilimutang naging bahagi ako ng klase na ito. Isang klasesng hindi basta- basta. Klasesng hindi ordinaryo. Klasesng kakaiba. Nagbibigay kagalakan, bumubuhay sa natutulog na katawang lupang inari na ng mga makamundong isipin sa buhay, sa murang isipan pa lamang. Mga katawang napaglipasan ng panahon ng labataan, na nag hahanap ng sandaling maktikim rin ng mga baay na kakaiba sa nakasanayan nang mga pressure sa unibersidad na kinakaharap araw- araw. Sino ba anamn ang magsasabing hindi naging masaya ang PG experince nila! Magsalita na! Kung talagang hindi sila nag- enjoy, hindi ko na lamang alam kung ano pang kasiyahan ang konsepto nila sa buhay.... charot! Wahahahahah

    Minsan akoy dumaan sa sandaling tinanong ko ang aking sarili, kung tama aba nag edad ko sa isip ko... sapagkat marami ang nagsasabing hindi daw ako mukahang 18 sa pagkilos at pag- iisp,. pati na rin sa itsura, mas bata raw ako tingnan (thanks! XD). Pero ang totoo, hindi ko nga rin talaga alam. At minsan aking naitanong, tapos na nga ba talaga ang pagkabata ko? tapos na ba? weh, di nga? anu daw yun? huhuhuhuh

     Ako'y naging alipin ng mga libro, at ng silid- aklatan. Hindi ko ito pinagsisihan, sapagkat desisyon ko rin anamn ito, ngunit ang pinagsisishan ko lamang ay hindi ko na- enjoy ang pagiging bata. masyadong mga higer froms of mga alalalhanin sa buhay agad ang aking iniintindi sa buhay. Iyan nga siguro ang dahilan kung may eyebags ako, at naging permanent na sa mukha ko, since fetus pa lamang ako. Wahahahaha

     Masaya ang buhay, lalo na kung nag- eenjoy sa mga gingawa mo. Sa unibersidad, may mga bahagi ng buhay na tila madilim, at ganun din anman ay may mga liwanag din. Subalit bahagi iyan ng buahay, gaya ng araw at gabi. Hindi ka mabubuahya kung lagi ka lamang nasa araw. Subalit ang dapat isipin ay, hindi dapat magtagal sa isang bahagi... gaya ng sa madilim na bahagi ng buhay, dumadaan talaga yan... daanan mo lang... wag mong tambayan.... Wahahahaha

     Ako'y nagagalak sapagkat sa gintna ng mga malalaim na pag- aaral, may isang klasesng nagpaalala sa akin na, minsan dapat ay huminto numa, at bigyan ng pagkakataon ang sariling lumaya sa mga isiping nagpapahirap sa kalooban. Upang maging gaya ng isang sanggol, na kayang matulog ng nakataas ang kamay sa kanyang ulunan. na gaya ng isang paslit na pag nasaktan ay iiyak nalamang, at matapos ang iayak, ay wala na ang sakit. di gaya ng mga matatandang nagkikimkim ng sama ng loob na dinadala, minsan hanggang sa kabilang buhay pa.

       Natapos na, natapos na ang klasesng nagbigay ng mga masasayang ala- ala, mga bagong kaibigan, kwela at rock- on na guro, at maiingay na mga manong na walang sawang gumagwa sa gym habang kami ay nagkaklase. XD. Tapos na.... tapos na nga ba?\

       Bilang isang Pilipino, hindi rito nagtatapos ang mga bagay na ito. Dadalhin ko ang mga munting ala- alang ito sa aking paggulang, sa aking hinaharap. Makakarating irto sa aking mga anak, sa mga anak ng aking mga anak, hanggang sa manatili ito sa aking kultura, sa ating kultura.

       Ang Philippine Games ay hindi ordinaryong laro. Laro ito ng Lahi, Laro ito ng mga Pilipino! Mabuhay ka Grecia! Mabuhay mga kaklase ko! Mabuhay tayong lahat, tayong mga Pilipino!

No comments:

Post a Comment