Saturday, January 26, 2013



Philippine Games

Lahat tayo ay dumaan sa pagkabata. Sino sa mga taong nasa mundong ibabaw sa kasalukuyan ang magsasabing wala siyang naging pagkabata? Sa bayolohikal na pananalita, walang pagdedebatihan. Ngunit ang mga sasagot ng wala silang naging pagkabata, marahil, ay sa sikolohikal na kadahilanan naka- ugat ang kanilang magiging kasagutan... sa tanong na BAKIT?

Kapag narinig mo ang salitang bata, ano ang mga bagay na pumapasok sa iyong isipan? Kung ako ang iyong tatanungin, simple lang. Kapag sinabi mong bata, siyempre, naglalaro iyan. Ito naman ngayon ang problema. Ano naman kaya ang nilalaro ng mga bata na iyan. Mga larong nakapagpapapawis ba, o dili kaya'y mga indibidwalismong laro na lamang. Patay tayo diyan!

Bilang mga Pilipino, masasabi nating bahagi na rin ng ating kultura ang mga laro na kinagisnan ng ating mga salinlahi. Bakit naging bahagi na ng ating kultura? Sapagkat lahat sila ay dumaan sa pagkabata, at sa pagkabata nagsisimulang mahubog hindi lamang ang pisikal na aspeto ng ating kalamnan, bagkus pati na rin ang ating mga pagpapahalaga sa buhay. Ano naman ngayon ang koneksyon ng laro sa pagpapahalaga?

Kung ating masusuri, ang lahat ng mga laro noong mga nakaraang panahon sa ating bayan ay hindi maaaring malaro kapag nag- iisa. Ibig sabihin, kailangan ng pagsasanib pwersa upang maranasan ng lahat yung tinatawag nating fulfillment ng panahon ng kabataan sa kanilang panahon. Di katulad ngayon, unti- unti ng nababago ang pananaw na ito, na tila ba nagsasabing hindi na kailngan pa ng kalaro para masabing ikaw ay nakapaglaro... ikaw ay dumaan sa pagkabata.

Sa klase na aking kinabibilangan sa asignaturang Philippine games, aking napagsuring karamihan sa mga mag- aaral ay namuhay na sa tinutukoy kong bagong pag- iisip. Hindi ko lamang ito haka- haka. Kung ikaw lamang ay naroon at nag- oobserba, marahil ikaw ngayon ay umaayon din sa aking mga tinuturan. Isang kongkretong pagpapatotoo ay sa tuwing sasapit ang mga laro na nangangailngan ng pagtakbo at pananaya, mga pisikal na gawain, ay tila sabik ang mga katawan ng mga mag- aaral na maglaro. Taliwas ito sa mga batang halos magsawa na ng paglalaro noong kanilang kabataan, at tila dapat ay may makikita kang pagsasawa kapag muli silang iniharap sa mga ganung uri ulit ng laro. Sa sitwasyon ng aking mga kamag- aral, makikinita ang mga kabataang tila uhaw sa laro... mga kabataang napaglipasan ng panahon... na naghahanap ng panahon at pagkakataon na mailabas ang espiritong nagnanais maningil ng oras... na minsan pa'y makaranas din ng pag- agos ng pawis, di dahil sa mga madudugong pagsusulit ng Unibersidad, bagkus ay mula sa kasiyahang dulot ng mga larong sumisimbolo ng pagka- Pilipino.

Sa blog na ito, aking ipakikita sa madla ang limang sa ganang akin ay nagpamalas ng kakaibang buhay, sigla at galak sa natutulog kong katawang lupa, na minsan pay nagpa- alaala sa aking ako'y kabilang rin sa mga kabataang napaglipasan nga ng panahon.


BABALA: Ang introduksyon ay masyadong parang terror na prof, super stikto sa grammar chuchu- chuchu. Asahang sa mga susunod na bahagi ay kalog, kwela, baliw ngunit naghahangad na makapagbigay ng impormasyon ukol sa itinuturing kong best philgames of the quarter para sa akin. Kaya sit back, and enjoy reading (a conyo, medio gayyish speaking but i'm not a gay, saying it at first before you think anything, ahahaha, and super duper baliw ito) kaya tara na! Maglaro na tayo, mga bata! =D


AWARDING CEREMONY

BEST OF THE BESTS

TOP 5 PHILIPPINE GAMES 
OF THE QUARTER

By: Fredie More Franco Pablo
Student

Ms. Jo- Ann Grecia
PE Professor 







   TOP                      Name of the Game                          Average
      1                    Maaari ko bang hawakan ang               10.0  
                            iyong kamay? (Can I touch your
                            hand?)
      
      2                    Aswang- aswang                                    8.7

      3                    Kabayo- kabayuhan                               8.42

      4                    Agawan- base                                        8.41

      5                    Baboy- baboy                                        8.3 












BABOY- BABOY




First Impression:

Baboy- baboy... the first word that came out of my mind was "what?" Ahahaha. Not kidding you men, but actually, I have no idea what that awesome game it would be. So is it a stereotypical game? Not neither. It doesn't even mean to let you feel you're an obese person or a huge one. Ahahaha. But if you know the game, being fat or stout is an edge. XD. So my first impression to this game is that high, since I did not yet experience playing this game.


 During the game:

Ma'am Jo- ann first explained the mechanics of the game. So basically, the goal of the game is to make protect its biik from magnanakaws. Si baboy will be the mother, then all of you will make bigay some important things like wallet, ballpen, ballpen caps, coins, keys or whatwever you think is of piglet potential.Then all of the other players except the mother pig will make nakaw the piglets, then if sino yung smallest number ng na stole na pig at the end of the round, siya na ang papalit na baboy! Ahahaha. So the game went exciting! Off course, na experience ko rin maging baboy. And take note, sa akin nagtapos ang laro dahil hindi sila nakapagnakaw halos ng piglets! So protective me talaga! XD Anyways, being a thief is challenging, and pressuring! Why, because if you got the smallest number of stole pigs, you're dead as the mother pig! Ahahaha. But if you're good and fast, that wouldn't be a problem. XD


Experience:

So nice! The game is so mind- freaking! Your eye- body coordination must be precise so that no one could make nakaw your biiks. If you're like a super slow snail, you've better go shopping instead of playing or else, mabuburo ka lamang. Ahahaha. Just joking. The game is fun! Super fun as in you would like to play it again and again, especially if you're the one whose always been playing as the mother pig! XD ahahaha. 


How I rate my performance here:

There are two grades I could give to myself here: First, as a thief. I would mark myself 1.25, because I was able to experience being the loser, and acted the mother pig, and that factor for me makes a -.025 mark on the perfect score. XD. On the other hand, as a mother, I would grade myself flat 1.0, because i'm best when it comes to protection. I'm a piglet- keeper indeed. XD LOLS


How I rate the game:

I grade this game 8.3, since it's witty, fun and creative. I


MVP of the game:

I would give Dexter the MVP award here! OMG, he's like Flash in stealing piglets! Ahahaha. And that's why I got few pigs in that turn I became the pig. XD Ahahaha. Good job, Dexter!




KABAYO- KABAYUHAN



First Impression:

Oppa gangnam style! Ano daw? Kabayo- kabayuhan? Anung laro yun? May ganun ba? Nalaro mo na ba iyon? Saan galing yun? Hala? Anu gagawin natin? Research! Research! Research! Ilan lamang ang mga ito sa mga bagay- bagay na aming napag- isip isip habang nag be brainstorm tungkol sa kabayo- kabayuhan! Paano ba naman eh kami ang reporters para dito! So iyon, first impression, parang napaka- childish naman ng larong ito. Iyon, until the time came na lang na mas childish pala siya sa mas childish. Ahahaha! Ano nga ba kasi ito? Alamin mo na, agad- agad!


During the game:

Hay nako! Nakatulong ang super obsolete book sa library! Pero guess what! May isang paragraph lamang doon, 5- 6 sentences na nag- dedescribe ng laro na ito! Wala pa siyang history! Anu ba yan?! So what we did na lang is make imbento ng history! Hahaha. Anyways, paniwalang- paniwala naman ang mga classmates namin. XD <mean alert here XD> Sabi namin, nagmula ang laro way back panahon ng pangangabayo. Then ang goal is paunahan na makarating sa isang specified point or location. So ganun na nga. Syempre, competitive kami. Ahahaha. Pang bracket A ang ginamit na straw in replacement for the bamboo poles. XD. (ung straw ba na na- ililiko XD) Then super planned ang administration, control, chuchu puchu puchu para mataas ang grade. <GC alert> XD. Ayun, ang mechanics ng laro ay unahang makarating sa pwesto sa pamamagitan ng pagsakay sa straw bilang kabayo! XD Tapos ang variation ay may takip na sa mata ang lider. Dahil sa kulang ang mga members, we need to join the game! Syempre, di ako papayag na matalo! Ayun, sa first round, ako ang lider, kami ang nanalo. (well XD ahahaha) Then the next round, nagpalit na ng lider, Second na lang kami. (See the difference, XD) ahahaha. ayun, masaya ang laro dahil na pe pressure na mauna talaga sa finish line. Kaso yung iba eh kahit naputol ang straw which is dapat bumalik from the starting point eh tuloy- tuloy na lang eh! MAs competitive pa sa amin eh! Ahahaha. Anyways, Oppa gangnam style peg lang ang laro eh! Ahahaha!


Experience:

Para lamang mga bumalik sa grade one lahat! as in yung time na nag ki christmas party then lahat competitive much! Ahahaha. Actually, naputulan kami ng straw nung second round, but tuloy- tuloy na lang kami as in parang walangh nangyari! Ahahaha. Daya alert her. XD. Pero ayun, legit pa rin na second kami dun. ahahaha. Over- all, sa tingin ko successful naman ang group namin sa reporting, and the flow of the game as well. XD (Self suppotive XD).LOls


How I rate my performance here:

My performance here? Siguro flat 1.0 pa din. Ahahaha. Competitive talaga ko dito, lalo na nung ako yung lider nung group namin, tapos nung kahit hindi man ako ang lider, super competitive ko pa rin! Si Luigi yung pumalit sa akin bilang lider nung second round. Medyo maliit si luigi. So nag take advantage ako na halos buhatin ko na siya sa direction na dapat niyang tahakin since na ka-blindfold siya nun. ahahahaha So wagas! second kami nun! ahahaha.


How I rate the game:

The game is 8.42 for me out of 10, due to the level of excitement and difficulty na na experience namin. =D


MVP of the game:

Wala eh. Ako pa rin. ahahaha. Obvious na yata, ang mga pinili kong best games eh yung ako yung best. Ahahahah XD





CAN I TOUCH YOUR HAND?




First Impression:

Pangalan pa lang ng laro, patok na patok na! Panu ba namang hindi papatok eh ang mga kabataan ngayon, alam niyo naman, kaunting kilig factor, kilig na kilig na! Ayiiiehhhh! At take note, isa rin ako sa mga kabataan no! Ahahaha. Anyways, Can I touch your hand? Ano to Ma'am, early Feb Valentine chu-chu?! Ahahaha. But in the first place, wala pang mechanics, mukhang masaya ang game, lalo na ng i- explain ni Ma'am na isa pala itong invented game ng mga dati niyang estudyante. According to ma'am, hango daw ito sa konsepto ng mga teleserye. Alam niyo naman, basta teleserye, syempre, may mga kontrabida, bida, lovers, extra, chuchu, chuchu, puchupuchu, at iba pa! XD So na eexcite ka na ba sa larong ito? ='> Ahahaha!


During the game:

Nako! Guess what! Pinagtripan ako ng mga kaklase ko dito! Ako ba naman ang pinagtripang gawing boylet chuchu! At take note, ang sabi pa ni ma'am, "napakaswete mo namang nilalang at pag- aagwan ka ng mga babae, minsan lang iyan," ahahaha! Ahahaha na lang Ma'am. XD LOL.Anyways, wala naman akong ka sparks ma'am sa class kaya sayang, Ahahaha. Pero ayun, yung laro, una, ang goal is from the name of the game itself, to touch the hand of girl. Pero ang kakaiba dito, ang lalaki ay nakakulong sa isang maliit na bilog na binubuo ng mga kontrabida group 1 (mga magulang ng lalake) at nakapaloob pa ito sa isang malaking bilog (mga chuchu puchu puchu LOL). So ang goal dito ay mahawakan ng girlaloosh na nasa labas ng malaking bilog ang kamay ng boylet na nasa loob ng small na bilog. Ang taray diba! Babae ang mas competitive dapat At mas take note pa ulit, dalawanag babae ang mag- aagawan kay boylet! Ahahaha. Anyways, akala mo sa umpisa, imposibleng mag- kahawakan ng kamay ang dalawa, pero IN THE NAME of love, chos, magkakahawakan at magkakahawakan talaga! LOL! Ayun, it's more fun in PHilgames na lang! Ahahahah. XD


Experience:

Ansabeh! So fun! Ako ba naman ang gawing bida, bakit hindi ako matuwa. lols! Anyways, grabe ang performance ng mga kontrabida chuchu at puchupuchu ha! Talaga naman, kung makahadlang sa pag- ibig wagas eh! Ahahaha. Nung una, puro mga lalaki ang smaller circle. Kaso hindi talaga ako makagalaw. Imaginin mo ang isang tupa na nasa paligid ng mga lobo. Ganun ang senaryo namain. Buti si Ma'am to the rescue, ginawang half men, half women group ang inner circle. Syempre, pabor sa akin yun. Mas madaling singitan ang mga babae, kaya siguro yun ang naging way para hindi makahadlang sa pag touch ng hands! LOL. XD Over- all, good job ang mga imbentor!


How I rate my performance:

My performance? Umm, nag enjoy ako, nag enjoy lahat! Competitive ako, competitive lahat! Pero nanaig ang pag- ibig eh! Hindi napigilan! So flat 1.0 ako dun. ahahaha! Kung nahadlangan ang pag- ibig, at hindi nakapagtouch ng hands, singko ang grade ko dun. XD ahahaha! Charot!


How I rate the game:

Speechless... 10! walang kagatol- gatol! XD


MVP of the game:

Siguro, ibibigay ko ang award kay... den de ne nen... sa aking pag- ibig (lols) MICAH! <play taylor swift song 'both of us' XD> paano ba namang hindi siya eh siya ang nagsumikap makapagtouch lamang kami ng hands! Charr! Keep it Micah (teka, my chemistry eh..pwede.. XD joke lamang1 ahehehe)



ASWANG- ASWANG


First Impression:

Horror lang ang peg, Ma'am! Ahahaha. Bago sa pandinig ko ito ha! Aswang squared (Aswang ^2) LOL. PAano kaya ito laruin? Ayun, no idea ako rito. Ang naisip ko ay baka parang may aswang na manghahablot tapos kami ay tatakbo sa kahit saang lugar tapos kapag nakagat ka, aswang ka na rin hanggang sa isa na lang ang matira. Ahahaha. Natawa po ako dun. No idea tapos may naisip. LOLS! So ano nga ba ang larong ito?


During the game:

Ahh, ganun pala siya. May bilog sa gitna, tapos sa gitna ng bilog kayong lahat except sa taya. Natawa po ako ulit. Nalaro ko na po pala ito noong ako'y bata pa, at ang tawag namin dito ay aswangan, hindi aswang- aswang! Ahahaha. Ayun. Maygudness! During the game! Kung may tinatawag tayong naghalo ang balat sa tinalupan, dito naghalo ang amoy- pawis, amoy pabango at amoy- happy new year! Charot lang. XD. Tapos kapag nasa gitna ka ng bilog, talaga naman! Ipit na ipit ka eh! At idagdag mo pa ang mga kaklase mong tilian ng tilian!Ahahaha. At heto naman ako, akala mo hindi nag- enjoy, eh halos magkandasuka na nga ako ka- iiwas sa mananaya o sa aswang! Ang saya- saya! Ahahaha! Pero siyempre, naranasan ko ring maging aswang, dahil sa totoo lamang, ako ang unang naging volunteer para maging aswang! Ahahaha. In fairness, hindi naman ako mukhang aswang ha, except kung aswang sa Twilight series, papayag ako. LOL! Ahahaha. Anyways, mas masaya kung ikaw ay tao, at hindi aswang! Dahil maaari kang manulak ng mga kaklase mo para mataya sila!Ahahaha. <so mean me talaga> Anyways, sobrang wala akong masabi sa game na ito! Grabe! Nabuhay ang katawang lupa ko! XD


Experience:

Imaginin mo ang isang taong tuwang- tuwa, na nasusuka, na hingal na hingal, na gusto pa ng isang round, at gusto pa ulit, at gusto pa ulit... Ako yun after the game! Ahahaha. Sobrang saya ng laro. Talaga naman, parang nakawala sa koral eh. Ang simple at composure na look, pagdating sa Aswang- aswang, nagtransform talaga eh! Anyways, So rocking experince here! 


How I rate my performance:

Ano pa ba! Eh di flat na flat 1.0! Bakit ba naman hindi eh super competitive ko kaya dito. Ahahaha. at super secret bully pa. XD Anyways, masasabi kong ang speed, coordination, agility, and reaction time ko dito ay to the highest level! Chos. Ansabeh! Ahahaha.


How I rate the game:

Hvey na havey! Using the 10 point grading system, and since a terror prof ako someday, i would give 8.7 for this, kahit super enjoy ako! Ahahaha!


MVP of the Game:

Den de ne nen! Alam na! Magbuhat ng sariling bangko! Alam na talagaaaaah. Edi ako na! Ako na talaga! Ahahaha. Walang kokontra! Ako ang MVP this time, Ma'am. LOLS. XD











Agawan Base





First Impression: 

Nang una kong narinig ang name ng laro, sinabi ko sa sarili ko, "Ahh, baka parang sekyu lang ito", dahil may dalawang grupo at mayroong base na binabanggit. Nung ako ay greyd 5 at 6 kasi, ako ay nakapaglaro ng sekyu. May dalawang base ito para sa dalawang grupo. Ang layunin ng laro ay makataya ka ng mas naunang umalis sa base kaysa sa iyo, sa kabilang pangkat syempre. Tapos kapag nataya ka na, isa ka ng bihag. Para makabalik sa laro, kailangang ma- touch ka ng kagrupo mo ng hindi siya natataya dahil kung hindi, magsasama na kayo bilang bihag. Ganito ang naglaro sa isip ko. 


During the game:

"Ahh, iba pala siya," nabanggit ko matapos i- discuss ang mechanics. Mayroong dalawang linya, isa para sa isang grupo. Tapos walang rule dito na kung sino yung nauna kaysa sa iyo, yun lang ang pwede mong mataya. Ang style nito ay manghila ng kasapi ng kabilang pangkat at dalhin sa base mo. Pagkatapos ay tutulungan siya ng mga kagrupo niya para hindi mo siya makuha. Tutulungan ka naman dapat dito ng mga kasama mo para mahila niyo yung binihag mo. Grabe diba! Parang naging tug of war na, at ang bihag ang naging rope! hahaha!


Experience:

My God! Na- harass ako, as- in! Yung feeling na ako yung nambibihag tapos nakahila na ako ng isa eh. Tapos biglang may sumunggab sa akin at humila sa base nila! At ang nakagugulat dito ha, ay si Ma'am pala yun! Ahahaha! Laugh Out Loud Experience talaga. Tapos yung feeling na nasa base ka na, hindi ka pa pakawalan. Tatakas pa ma'am? Tatakas pa? Joke! Ahahaha. Grabe. Super enjoy. As in parang bumalik ako sa pagkabata!
Ayun, na experience ko rin, pag nataya ka na pala, grabeng lungkot ng buhay =( as in super =((. Ahahaha. Kaya next time, much competitive na ao. At beware of competitive Ma'am. Ahahaha. Joke.


How I rate my performance: 

Siguro, sa uno- system, 1.25 ako. XD. Kasi, kulang ako siguro ng pagiging listo, nataya tuloy ako. Ang value na nawala dahil dun, para sa akin ay 0.25, kaya instead of flat 1.0, 1.25 na lang. Ahahaha. Prof lang ang peg?! Pumo- prof? Ahahaha, 1.25 talaga. Feel ko yun. XD LOL!


How I rate the game:

I would give this game a grade of 8.41, feel ko yun para dito! Ahahaha! Feeling ko, may mas magpapa live pa sa kin na game aside from this. =D


MVP of the game:

Den de ne nen... And the MVP award goes to <drum rolls> den de ne nen... Ma'am Jo- ann Grecia! <claps here>
Siyempre, kayo po ang nakataya sa akin eh. Ahehehe. CONG- GRAT- SU-LAY- SHEN! Bigyan ng CD, ng wallet. LOL. Job well done, Ma'am. =) <evil voice here: babawi ako, Ahahahah>
Joke!