Saturday, January 26, 2013



Agawan Base





First Impression: 

Nang una kong narinig ang name ng laro, sinabi ko sa sarili ko, "Ahh, baka parang sekyu lang ito", dahil may dalawang grupo at mayroong base na binabanggit. Nung ako ay greyd 5 at 6 kasi, ako ay nakapaglaro ng sekyu. May dalawang base ito para sa dalawang grupo. Ang layunin ng laro ay makataya ka ng mas naunang umalis sa base kaysa sa iyo, sa kabilang pangkat syempre. Tapos kapag nataya ka na, isa ka ng bihag. Para makabalik sa laro, kailangang ma- touch ka ng kagrupo mo ng hindi siya natataya dahil kung hindi, magsasama na kayo bilang bihag. Ganito ang naglaro sa isip ko. 


During the game:

"Ahh, iba pala siya," nabanggit ko matapos i- discuss ang mechanics. Mayroong dalawang linya, isa para sa isang grupo. Tapos walang rule dito na kung sino yung nauna kaysa sa iyo, yun lang ang pwede mong mataya. Ang style nito ay manghila ng kasapi ng kabilang pangkat at dalhin sa base mo. Pagkatapos ay tutulungan siya ng mga kagrupo niya para hindi mo siya makuha. Tutulungan ka naman dapat dito ng mga kasama mo para mahila niyo yung binihag mo. Grabe diba! Parang naging tug of war na, at ang bihag ang naging rope! hahaha!


Experience:

My God! Na- harass ako, as- in! Yung feeling na ako yung nambibihag tapos nakahila na ako ng isa eh. Tapos biglang may sumunggab sa akin at humila sa base nila! At ang nakagugulat dito ha, ay si Ma'am pala yun! Ahahaha! Laugh Out Loud Experience talaga. Tapos yung feeling na nasa base ka na, hindi ka pa pakawalan. Tatakas pa ma'am? Tatakas pa? Joke! Ahahaha. Grabe. Super enjoy. As in parang bumalik ako sa pagkabata!
Ayun, na experience ko rin, pag nataya ka na pala, grabeng lungkot ng buhay =( as in super =((. Ahahaha. Kaya next time, much competitive na ao. At beware of competitive Ma'am. Ahahaha. Joke.


How I rate my performance: 

Siguro, sa uno- system, 1.25 ako. XD. Kasi, kulang ako siguro ng pagiging listo, nataya tuloy ako. Ang value na nawala dahil dun, para sa akin ay 0.25, kaya instead of flat 1.0, 1.25 na lang. Ahahaha. Prof lang ang peg?! Pumo- prof? Ahahaha, 1.25 talaga. Feel ko yun. XD LOL!


How I rate the game:

I would give this game a grade of 8.41, feel ko yun para dito! Ahahaha! Feeling ko, may mas magpapa live pa sa kin na game aside from this. =D


MVP of the game:

Den de ne nen... And the MVP award goes to <drum rolls> den de ne nen... Ma'am Jo- ann Grecia! <claps here>
Siyempre, kayo po ang nakataya sa akin eh. Ahehehe. CONG- GRAT- SU-LAY- SHEN! Bigyan ng CD, ng wallet. LOL. Job well done, Ma'am. =) <evil voice here: babawi ako, Ahahahah>
Joke!





No comments:

Post a Comment