Lahat tayo ay dumaan sa pagkabata. Sino sa mga taong nasa mundong ibabaw sa kasalukuyan ang magsasabing wala siyang naging pagkabata? Sa bayolohikal na pananalita, walang pagdedebatihan. Ngunit ang mga sasagot ng wala silang naging pagkabata, marahil, ay sa sikolohikal na kadahilanan naka- ugat ang kanilang magiging kasagutan... sa tanong na BAKIT?
Kapag narinig mo ang salitang bata, ano ang mga bagay na pumapasok sa iyong isipan? Kung ako ang iyong tatanungin, simple lang. Kapag sinabi mong bata, siyempre, naglalaro iyan. Ito naman ngayon ang problema. Ano naman kaya ang nilalaro ng mga bata na iyan. Mga larong nakapagpapapawis ba, o dili kaya'y mga indibidwalismong laro na lamang. Patay tayo diyan!
Bilang mga Pilipino, masasabi nating bahagi na rin ng ating kultura ang mga laro na kinagisnan ng ating mga salinlahi. Bakit naging bahagi na ng ating kultura? Sapagkat lahat sila ay dumaan sa pagkabata, at sa pagkabata nagsisimulang mahubog hindi lamang ang pisikal na aspeto ng ating kalamnan, bagkus pati na rin ang ating mga pagpapahalaga sa buhay. Ano naman ngayon ang koneksyon ng laro sa pagpapahalaga?
Kung ating masusuri, ang lahat ng mga laro noong mga nakaraang panahon sa ating bayan ay hindi maaaring malaro kapag nag- iisa. Ibig sabihin, kailangan ng pagsasanib pwersa upang maranasan ng lahat yung tinatawag nating fulfillment ng panahon ng kabataan sa kanilang panahon. Di katulad ngayon, unti- unti ng nababago ang pananaw na ito, na tila ba nagsasabing hindi na kailngan pa ng kalaro para masabing ikaw ay nakapaglaro... ikaw ay dumaan sa pagkabata.
Sa klase na aking kinabibilangan sa asignaturang Philippine games, aking napagsuring karamihan sa mga mag- aaral ay namuhay na sa tinutukoy kong bagong pag- iisip. Hindi ko lamang ito haka- haka. Kung ikaw lamang ay naroon at nag- oobserba, marahil ikaw ngayon ay umaayon din sa aking mga tinuturan. Isang kongkretong pagpapatotoo ay sa tuwing sasapit ang mga laro na nangangailngan ng pagtakbo at pananaya, mga pisikal na gawain, ay tila sabik ang mga katawan ng mga mag- aaral na maglaro. Taliwas ito sa mga batang halos magsawa na ng paglalaro noong kanilang kabataan, at tila dapat ay may makikita kang pagsasawa kapag muli silang iniharap sa mga ganung uri ulit ng laro. Sa sitwasyon ng aking mga kamag- aral, makikinita ang mga kabataang tila uhaw sa laro... mga kabataang napaglipasan ng panahon... na naghahanap ng panahon at pagkakataon na mailabas ang espiritong nagnanais maningil ng oras... na minsan pa'y makaranas din ng pag- agos ng pawis, di dahil sa mga madudugong pagsusulit ng Unibersidad, bagkus ay mula sa kasiyahang dulot ng mga larong sumisimbolo ng pagka- Pilipino.
Sa blog na ito, aking ipakikita sa madla ang limang sa ganang akin ay nagpamalas ng kakaibang buhay, sigla at galak sa natutulog kong katawang lupa, na minsan pay nagpa- alaala sa aking ako'y kabilang rin sa mga kabataang napaglipasan nga ng panahon.
BABALA: Ang introduksyon ay masyadong parang terror na prof, super stikto sa grammar chuchu- chuchu. Asahang sa mga susunod na bahagi ay kalog, kwela, baliw ngunit naghahangad na makapagbigay ng impormasyon ukol sa itinuturing kong best philgames of the quarter para sa akin. Kaya sit back, and enjoy reading (a conyo, medio gayyish speaking but i'm not a gay, saying it at first before you think anything, ahahaha, and super duper baliw ito) kaya tara na! Maglaro na tayo, mga bata! =D
No comments:
Post a Comment